Home ENTERTAINMENT Sharon, may pakiusap kay Mayor Leni!

Sharon, may pakiusap kay Mayor Leni!

83
0

Manila, Philippines – May masidhing panawagan si Sharon Cuneta kay dating Vice President at ngayo’y Naga City Mayor Leni Robredo na pag-isipan ang nauna na nitong sinabi na hindi na tatakbo sa 2028 elections.

Sa kanyang Instagram nitong April 29, nakiusap ang Megastar na: “Dearest Ma’am Leni, PLEASE

RECONSIDER…You are the one who can unite these different parties.

“You have proven na ipinaglaban ninyo ang Pilipinas.”

Hinimok din ni Sharon na pumili si Robredo ng ka-tandem na may malawak na suporta.

Ipinangako ng singer-actress ang all-out support nilang mag-asawa.

Si Senator Kiko Pangilinan–kung matatandaan–ang runningmate ni Robredo noong 2022 elections.

Katwiran ni Sharon, ‘di hamak na mas marami ngayon ang sumusuporta sa dating VP: “We are storming all the heavens with our prayers for you to change your mind and run once more–just one more time po Ma’am, for President.”

Dagdag pa niya, patuloy daw siyang naniniwala sa kakayahan at katapatan na alagaan ang bansa.

Magtutungo daw ang anak niyang si Miguel sa Naga para pakiusapan din si Robredo.

Oo nga naman, Ma’am Leni, bibiguin mo ba ann taumbayan? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here