Ganito nga ang peg ngayon ni Sharon Cuneta whose short hair becomes her.
For the longest time nga naman ay isang hairstyle lang ang nakasanayan nating nakikita sa Megastar.
Obyus na maging ang singer-actress ay in love sa kanyang bagong look.
Nagkataon pa namang kapapanalo ng kanyang asawang si Senator-elect Kiko Pangilinan who’ll assume office on June 30.
Who says na nagpapaikli ng buhok ang mga kababaihan after a breakup?
No less than Sharon’s anak-anakan Julia Montes ang humanga sa bagong hairdo nito–bumagay daw nang bonggang-bongga.
Not only that, nag-set ng trend si Sharon dahil naengganyo na ring magpaiksi ng buhok sina Jinkee Pacquiao at Ara Mina.
So, hindi lang pala after the breakup sa kaso ng mga gumaya kundi after the heartbreaking loss of Jinkee’s hubby Manny sa pagka-senador at ni Ara who lost her bid as Pasig City councilor!
For sure, other female celebrities will also follow suit.
Ang lakas talaga makaimpluwensya ni Ate Shawie! Ronnie Carrasco III