MANILA, Philippines- Nakaaapekto ang shear line at ang Northeast Monsoon (Amihan) sa Luzon ngayong Lunes habang magpapaulan ang Intertropical Convergence Zone sa Mindanao, ayon sa PAGASA.
Inaasahan sa Batanes, Cagayan, at Apayao ang maulap na kalangitan at pag-ulan dahil sa Amihan.
Nakaamba naman sa Isabela at Aurora ang maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan dahil sa shear line.
Magpapaulan din ang ITCZ sa Palawan, Basilan, Sulu, and Tawi-Tawi.
Samantala, makararanas ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa easterlies.
Ang coastal waters ay magiging moderate to rough sa Northern Luzon, at slight to moderate sa natitirang bahagi ng bansa.
Sumikat ang araw ng alas-6:19 ng umaga at lulubog ng alas-6:01 ng hapon. RNT/SA