Home NATIONWIDE Shear line, Amihan iiral sa Luzon

Shear line, Amihan iiral sa Luzon

MANILA, Philippines – Makararanas ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan sa Northern at Southern Luzon dahil sa shear line at Northeast Monsoon o Amihan.

Ayon sa PAGASA, maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorm ang iiral sa Quezon at Bicol Region dahil sa shear line.

Ang Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, at Aurora ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan dahil sa Amihan.

Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains dahil sa Amihan.

Habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa easterlies. RNT/JGC