Home NATIONWIDE SoKor president Yoon, na-impeach!

SoKor president Yoon, na-impeach!

SOUTH KOREA – Nanaig ang boto ng mga mambabatas sa South Korea na pabor sa impeachment ni President Yoon Suk Yeol dahil sa pagdedeklara ng martial law kamakailan.

Ayon sa oposisyon, ang impeachment ni Yoon ay maituturing na “victory of the people.”

Nitong Sabado, Disyembre 14, libo-libo ang nagtipon sa mga kalsada sa Seoul.

Isinagawa ang impeachment motion makaraang sumali ang 12 miyembro ni Yoon na People Power Party at ang opposition parties, na may hawak ng 192 pwesto sa 300-member national assembly.

Naabot nito ang threshold na two-thirds ng assembly para sa impeachment.

Nasa kabuuang 204 mambabatas ang bumoto para ma-impeach si Yoon dahil sa alegasyon ng insurrection. Mayroong 85 ang bumotong tutol dito, tatlo ang nag-abstain at walong boto ang nullified.

Dahil sa impeachment, suspendido si Yoon sa opisina nito.

Nagsisilbing interim leader sa ngayon si Prime Minister Han Duck-soo.

Nangako naman si Han na sisikapin nitong masigurong stable ang bansa matapos ang impeachment ni Yoon. RNT/JGC