Home NATIONWIDE Shear line, amihan magpapaulan sa Luzon, Visayas

Shear line, amihan magpapaulan sa Luzon, Visayas

MANILA, Philippines- Makaaapekto ang shear line sa silangang bahagi ng Southern Luzon at Visayas habang mararamdaman ang epekto ng northeast monsoon (amihan) sa natitirang bahagi ng Luzon ngayong Biyernes, ayon sa ulat.

Magiging maulap ang kalangitan sa Bicol Region, Eastern Visayas, at Quezon na sasabayan ng kalat na pag-ulan dahil sa shear line.

Inaasahan naman sa Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, at Aurora ang maulap na kalangitan na may mahinang pag-ulan dahil sa northeast monsoon.

Nagbabadya sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated light rains” dahil sa northeast monsoon.

Makararanas naman ang natitirang bahagi ng bansa ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa easterlies at localized thunderstorms.

Ang wind speed forecast para sa eastern sections ong f Southern Luzon at Visayas ay “strong” at patungong northeastward na may rough coastal waters.

Moderate to strong ang wind speed forecast para sa natitirang bahagi ng Luzon at Visayas patungong northeastward habang ang coastal waters ay magiging moderate to rough.

Makararanas ang Mindanao ng light to moderate wind speed patungong northeastward habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

Sumikat ang araw ng alas-6:24 ng umaga at lulubog mamayang alas-5:44 ng hapon. RNT/SA

Previous articlePalengke nagliyab; pinsala higit P200M
Next articleLotto Draw Result as of | January 11, 2024