LA UNION- Kamatayan ang sumalubong sa isang 46-anyos na lalaki matapos bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa nakaparadang 10-wheeler sa Brgy. Masupe, Balaoan ng lalawigang ito kagabi.
Ayon sa mga otoridad, ang biktima ay isang construction worker, walang asawa, residente ng La Union.
Minamaneho ng biktima ang kulay black/red na Euro Sport R motorcycle at bumibiyahe papuntang timog na direksyon sa national highway sa naturang lugar nang aksidenteng bumangga sa 10-wheeler truck na nakaparada sa outer lane ng kalsada ang kanyang sasakyan.
Dahil dito, nagtamo ng malubhang sugat sa kanyang ulo ang driver ng motorsiklo na agad na isinugod sa Balaoan District Hospital.
Gayunman, ang driver ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso