Home NATIONWIDE PH magdaraos ng int’l roadshow para sa CREATE MORE Act

PH magdaraos ng int’l roadshow para sa CREATE MORE Act

MANILA, Philippines- Magdaraos ang gobyerno ng Pilipinas ng isang international roadshow sa susunod na taon para ipakilala sa ibang bansa at sa mga potensial na foreign investors ang benepisyo ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE MORE) Act.

Sa ginanap na 3rd Luzon Economic Corridor Steering Committee meeting, araw ng Sabado sa Palasyo ng Malakanyang, kapwa nagpahayag ang mga kinatawan mula sa Japan at Estados Unidos ng kanilang interes sa potensial ng bagong investment-inducing law para makahikayat ng mas malaking partisipasyon at investments mula sa like-minded nations at pribadong sektor.

Tinintahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Nov. 11, ang CREATE MORE Act o Republic Act (RA) 12066 ay ikinasa dahil sa game-changing economic reforms na ipinakilala sa ilalim ng CREATE law upang gawing ‘more globally competitive, investment-friendly, predictable at accountable’ ang tax incentives sa bansa.

Ang pagsasabatas ng CREATE MORE Act ay nakikitang makapagbibigay lakas at tulong sa Luzon Economic Corridor (LEC) initiative, makukuha ang atensyon ng trilateral partners, ang Estados Unidos at Japan.

Ang delegasyon ng Estados Unidos, sa panahon ng pagpupulong, binigyang-diin ang CREATE MORE Act bilang isang ‘pivotal tool’ para palakasin ang investment opportunities sa loob ng LEC framework.

Ipinanukala ng mga ito na ang mga opisyal ng Pilipinas ay magsagawa ng komprehensibong roadshow na makapagpapakita ng benepisyo ng landmark legislation.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Frederick Go na ang plano para sa naturang roadshow ay gumagana na, nakatakdang kaagad na ilunsad kasunod ng pagsasapinal ng implementing rules and regulations (IRR) ng CREATE MORE.

“The Board of Investments, together with the Investment Promotion Agencies, is organizing a roadshow to all the countries that have great interest in investing in the Philippines. We will answer the questions: What does the Philippines have to offer? What locations can we offer? What are the benefits of signing up with the Investment Promotion Agencies because of CREATE MORE?” ang sinabi ni Go.

“We will reach out to them and let them know how CREATE MORE supports them and how it gives predictability in the regulatory environment in the Philippines,” ayon pa rin kay Go sabay sabing, “The IRR is expected to be completed by February of next year. We’re waiting for the IRR before we do that roadshow.”

Samantala, kabilang naman sa mga bansang tinitingnan para sa roadshow maliban sa Estados Unidos at Japan ay ang South Korea at European Union nations. Kris Jose