Home HOME BANNER STORY Shear line magdudulot ng maulap, maulan na panahon sa ilang bahagi ng...

Shear line magdudulot ng maulap, maulan na panahon sa ilang bahagi ng LuzVi

285
0

MANILA, Philippines – Ayon sa PAGASA, magpapatuloy ang shear line sa pagdulot ng maulap na kalangitan, scattered rains, at thunderstorms sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas ngayong Lunes, Pebrero 9.

Ang shear line ay nakaaapekto sa Southern Luzon, habang ang Northeast Monsoon (Amihan) naman sa ibang bahagi ng Luzon. Dahil dito, magkakaroon ng cloudy skies, scattered rains, at isolated thunderstorms sa, Western Visayas, Eastern Visayas, Catanduanes, Albay, Sorsogon, at Masbate.

Ang Northeast Monsoon o Amihan naman ay magdudulot ng maulap na kalangitan na may pag-ulan sa Cagayan Valley, ibang bahagi ng Bicol Region, Nueva Ecija, Bulacan, Aurora, Rizal, Laguna, Quezon, Oriental Mindoro, Marinduque, at Romblon.

Pinaalalahanan ng PAGASA ang publiko sa posibleng flash floods at landslides dahil sa katamtaman hanggang malakas na ulan sa mga lugar na ito. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here