MANILA, Philippines- Magdudulot ang shear line ng maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan sa Central at Southern Luzon ngayong Sabado, ayon sa PAGASA.
Sa abiso nitong alas-4 ng umaga, sinabi ng PAGASA na magdudulot ang shear line ng maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Bicol Region, Quezon, Laguna, at Rizal.
Samantala, inaasahang magdadala ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ng maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Mindanao, Eastern Visayas, Central Visayas, Negros Island Region, Aklan, Capiz, Iloilo, at Palawan.
Nagbabadya ring magpaulan ang Northeast Monsoon sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at Aurora.
Makararanas naman ang Metro Manila, Ilocos Region, at natitirang bahagi ng Central Luzon ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated light rains” dahil sa Northeast Monsoon.
Samantala, nakaamba sa natitirang bahagi ng bansa ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms” dahil sa localized thunderstorms.
Anang PAGASA, hanggang alas-4 ng madaling araw, “No Low Pressure Areas are being monitored for tropical cyclone formation.” RNT/SA