Home METRO Shellfish sa Lianga Bay, positibo sa red tide

Shellfish sa Lianga Bay, positibo sa red tide

1
0

SURIGAO DEL SUR, Philippines – Nagpositibo sa paralytic shellfish toxin, na karaniwang tinatawag na red tide, ang mga shellfish mula sa Lianga Bay, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa Caraga Region (BFAR-13).

Ayon sa BFAR-13, isinagawa ng BFAR National Fisheries Laboratory Division ang laboratory analysis gamit ang Enzyme-Linked Immunosorbent Assay (ELISA).

“Based on the laboratory analysis conducted by the BFAR National Fisheries Laboratory Division using a screening test, i.e., Enzyme-Linked Immunosorbent Assay, shellfish meat samples collected from Lianga Bay are positive for Paralytic Shellfish Toxins,” pahayag ng BFAR-13.

Dahil dito, pinagbawalan muna ang pangunguha, pagbebenta at pagkain ng lahat ng uri ng shellfish at Acetes sp. o alamang mula sa Lianga Bay upang maiwasan ang pagkalason.

Samantala, ligtas pa ring kainin ang isda, alimango at pusit, ngunit kailangang alisin ang lamang-loob at hugasan nang mabuti bago lutuin.

Nakikipag-ugnayan ang BFAR sa mga lokal na pamahalaan upang palakasin ang monitoring at magsagawa ng information drive para maprotektahan ang kalusugan ng publiko at kabuhayan ng mga umaasa sa shellfish industry sa lugar. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here