Home SPORTS Shigeoka nagdeklara ng giyera kontra Pinoy fighters

Shigeoka nagdeklara ng giyera kontra Pinoy fighters

Nagdeklara ng giyera si Ginjiiro Shigeoka, kapatid ng Japanese fighter na dinurog ni Melvin Jerusalem, kontra sa Pinoy fighter at kay Pedro Taduran na International Boxing Federation minimumweight champion.

Ayon sa mga  ulat na nakarating sa Pilipinas, nagsabi umano si Ginjiro, na haharap kay Taduran sa Mayo 24 sa Osaka, na gaganti sa Filipino fighter.

“Magagawa ko na ang boxing na gusto kong gawin. Babanatan ko siya at hindi niya ko matatamaan. Gusto kong ipakita sa kanya na nag-level up na ako bukod sa pag-target sa paghihiganti laban kay Taduran,” sabi ni Ginjiro, na natalo sa ika-siyam na round stoppage noong Hulyo sa Otsu City.

Kung makakapaghiganti siya, sinabi ni Ginjiiro na hahabulin niya si Jerusalem, na tinalo lang si Yudai via decision para sa titulo sa World Boxing Council.

“Kung mananalo ako sa laban na ito, gusto kong pag-isahin ang apat na sinturon. Tatalunin ko ang Jerusalem.”

Si Puerto Rican Oscar Collazo ang may hawak ng World Boxing Association at World Boxing Organization na 105-pound belt.

Sina Jerusalem at Taduran ay tanging dalawang world champion ng bansa at nangangarap din na pag-isahin ang lahat ng sinturon sa dibisyon.