Home NATIONWIDE Shortage sa LPG malabo sa mga susunod na buwan – grupo

Shortage sa LPG malabo sa mga susunod na buwan – grupo

162
0

MANILA, Philippines – Malabo ang shortage sa suplay ng liquefied petroleum gas (LPG) sa mga susunod na buwan, ayon sa LPG Marketers Association nitong Huwebes, Marso 26.

Ayon kay Arnel Ty, founder ng LPGMA, ang LPG supply ng bansa ay inaasahang tatagal ng 35 hanggang 45 araw, na bumuti mula sa naunang pagtaya ng Department of Energy (DOE) na hanggang 24 na araw noong Marso 20.

“But we already updated that data last Tuesday… nasa 35 to 40 days inventory po ang LPG as of now,” ani Ty.

Aniya, inatasan na ang industriya na bumili ng mga available na suplay ng LPG sa mga pamilihan kasunod ng pakikipagpulong kay Energy Secretary Sharon Garin.

Nauna nang sinabi ng DOE na ang kasalukuyang suplay ng LPG ay tatlong beses na mas mataas kaysa sa seven-day minimum inventory requirement para sa mga supplier.

Sinabi rin na nagpapatuloy ang koordinasyon sa mga bansa kung saan nag-iimport ang Pilipinas ng petroleum products.

Ani Ty, hindi inaasahan ng grupo ang shortage kasabay ng pagtukoy sa nagpapatuloy na private sector procurement at pagsisimula ng government-to-government sourcing arrangements.

“Ang projection po natin, walang mangyayaring shortage… The private sector has been instructed to continue procurement regardless of available prices,” aniya.

Sa kabila ng stable na suplay, posible naman ang pagtaas sa presyo ng LPG dahil sa mas mataas na shipping cost.

Batay sa monitoring ng DOE, ang presyo ng LPG sa Metro Manila ay mula P825 hanggang P1,000 kada tanke ngayong Marso.

Sinabi ni Ty na ang freight costs ay lumobo kasunod ng pagkaantala sa shipping routes mula sa Middle East dahilan para dumaan ito sa mas mahabang ruta sa pamamagitan ng Estados Unidos, Africa, Canada at Australia.

“As a result, freight costs passed on to LPG have reached around P30 per kilo.”

Dahil dito ay posibleng tumaas sa P1,400 hanggang P1,500 ang presyo sa kada tanke sa Abril. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here