Home ENTERTAINMENT Shuvee, binalaan kay Paolo!

Shuvee, binalaan kay Paolo!

338
0

Manila, Philippines- Parang negang-nega pa rin ang dating ni Paolo Contis who’s being pictured as a womanizer.

Bale ba, stained na ang record nito as a supposedly responsible dad to his kids.

Sa dalawang anak lang niya kay Lian Paz bumawi si Paolo who has yet to make it up with Summer, ang nag-iisang anak naman niya kay LJ Reyes.

Tuloy, may stigma na si Paolo when it comes to women na hangga’t maaari’y dapat iwasan or else.

Ganito nga ang babala kay Shuvee Etrata na co-star ni Paolo sa upcoming serye ng GMA na Master na Master Cutter.

Hindi pa man ay winarningan na si Shuvee never to get too close to Paolo.

Posible raw kasi na pag nahulog ang loob ni Shuvee sa kanya’y matulad lang siya sa ibang babaeng nagdaan sa buhay ng aktor.

Ang latest ngang karelasyon ni Paolo was Yen Santos–na bagama’t hindi niya pinangalanan–described her relationship as nightmarish as in bangungot.

Buti na lang, taken na si Shuvee who’s well taken care of by her boyfriend.

Sa isang banda, parang unfair naman kay Paolo ang ma-label ng ganoon.

Daig pa niya ang may nakakahawang sakit na kailangang layuan! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here