Home OPINION SI SECRETARY ‘MY BOSSMAN’ REMULLA’

SI SECRETARY ‘MY BOSSMAN’ REMULLA’

220
0

HINDI tayo nagtataka kung bakit marami ang maingay sa aplikasyon ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin ‘My Bossman’ Remulla bilang susunod na Ombudsman.

Sa kanya kasi ibinibintang ang pagpapadala kay PDU30 sa International Criminal Court noong Marso, batay sa kahilingan ng Interpol sa reklamong ‘crimes against humanity,’ kung saan nasampahan pa naman ng reklamo si Sec. Bossman sa Ombudsman, kasama ang iba pang mga opisyal ng gobyerno.

At dahil may reklamo, hindi siya mabigyan ng Ombudsman ‘clearance.’

Teka lang. May kaso si SOJ sa Ombudsman hindi dahil siya ay korap. May kaso siya dahil sa paggampan sa kanyang tungkulin na siyempre, hindi nagustuhan ng iba, partikular ng mga ‘DDS.’

Translation? Ang reklamo sa Ombudsman ay dahil sa PULITIKA.

Nang iligal na tanggalin si Pangulong Joseph “Erap” Estrada noong 2001, “masarap” na sana ang buhay ni Bossman sa Amerika. Subalit, pinili niyang bumalik nang tawagan siya ni Pang. Erap upang tulungan siyang labanan ang mga tinahing bintang laban sa kanya.

Siya rin ang sumulat ng ‘resignation letter’ ni Pang. Erap bago siya napilitang umalis sa Malakanyang noong Enero 20, 2001, kaya hanggang ngayon, ‘constitutional issue’ ang ginawa sa dating Pangulo na naging alkalde pa ng Maynila noong 2013.

Kumbaga, saan man mapunta, hindi iniiwan ni Bossman sa aparador ang kanyang “yagbols” kaya nagagawa niya ang anomang desisyon na para sa kanya ay tama at nararapat gawin.

Hindi “binabae” si SOJ na hindi kayang gawin ang sinabi niya. Kaya nga naniniwala tayo na bilang Ombudsman, kaya niyang tindigan na walang dapat kilingan, walang dapat katakutan!

Siyempre, marami tiyak ang “mapipikon” kung bakit natin “ipinagtatanggol” si SOJ Remulla?

Bakit naman hindi, samantalang kilala natin ang kanyang pagkatao– may prinsipyo, tapat at may malasakit sa kanyang mga tauhan at mga kaibigan at sadyang magaling sa kanyang trabaho, anomang responsibilidad ang ibinigay sa kanya.

Kumbaga, hindi lang siya ‘A man for all season, but also a man for all crisis!’

Translation ulit? Sadyang ‘more than qualified’ siya na maging susunod na Ombudsman!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here