Home METRO Sibilyang nakasuot ng police uniform arestado

Sibilyang nakasuot ng police uniform arestado

MANILA, Philippines- Nadakip ng mga pulis ang isang sibilyang nakasuot ng athletic uniform ng Philippine National Police (PNP) habang nagse-selfie sa Parañaque City.

Sa ulat nitong Martes, sinabi ni Staff Sgt. Jeffrey Tupil ng Southern Police District (SPD) na sakay siya ng bus nang makita ang 38-anyos na suspek, na kinilalang si alyas “Jefferson,” sa kahabaan ng Coastal Road nitong Lunes.

Ayon kay Tupas, nakasuot ang suspek ng pang-itaas na PNP athletic uniform, jogging pants, at tsinelas at tila nagse-selfie.

Pagdating sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), nilapitan ni Tupil ang suspek at hinanapan ng PNP identification card, na hindi naipakita ng suspek.

Agad na kinontak ni Tupil ang Sub-Station 2 ng Parañaque City Police, na agad nagpadala ng mga tauhan na umaresto sa suspek at nagdala sa kanya sa istasyon para sa dokumentasyon at wastong disposisyon.

“Unauthorized wearing of PNP uniforms is strictly prohibited and anyone caught will be criminally held liable for Usurpation of Authority under RPC (Revised Penal Code) Art. 177 (Usurpation of Authority of Official Function) and Art. 179 (Illegal Use of Uniforms and Insignias),” pahayag ng SPD. RNT/SA