MANILA, Philippines- Pumasok na ang tropical depression sa silangan ng Southern Luzon sa Philippine Area of Responsibility ng alas-12 ng hatinggabi nitong Lunes at pinangalanang Kristine, base sa PAGASA.
Itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Catanduanes at ilang parte ng Visayas, base sa 5 a.m. bulletin ng weather bureau.
Ang mga lugar sa ilalim ng TCWS No. 1 ay:
Catanduanes
northeastern portion ng Northern Samar (Laoang, Palapag, Mapanas, Gamay, Catubig, Lapinig); at
northeastern portion ng Eastern Samar (Jipapad, Arteche, San Policarpo, Oras).






