MANILA, Philippines – Isang menor de edad na babae na hinihnalang nalunod nang natagpuan sa dagat sa Brgy. 62A, Cavite City, Cavite.
Base sa paglalarawan sa biktima nasa edad 15 hanggang 17 ang anyos nito.
Batay sa report, bandang alas-6:30 kamakalawa ng gabi nang natagpuang ang bangkay ng biktima sa dagat na sakop ng Barangay 62A, ng nasabing lungsod nang makita ito ng mga dumaang mangingisda sa dagat.
Tulong-tulong na iniahon ang bangkay ng biktima sa pampang sa nasabing lugar at wala naman nakitang anumang senyales ng sugat kung kaya pinaniniwalaan na nalunod ito.
Nagsagawa ng masusing eksaminasyon ang Cavite Forensic Unit para sa pagpoproseso sa bangkay ng biktima. MARGIE BAUTISTA