Home NATIONWIDE SILG Remulla at Chinese envoy nagharap

SILG Remulla at Chinese envoy nagharap

159
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Interior Secretary Jonvic Remulla na nakipagpulong siya sa Chinese Ambassador na si Jing Quan, at sinabing nakatuon ang kanilang pag-uusap sa pagpapababa ng tensiyon sa pagitan ng Pilipinas at China.

Sa isang press briefing nitong Huwebes, nilinaw ni Remulla na hindi kasama sa talakayan ang usaping teritoryo. Sa halip, tinalakay umano ng dalawang panig ang mga paraan upang mapabuti ang ugnayan ng dalawang bansa, lalo na sa pamamagitan ng cultural exchanges.

“Mas pinag-usapan namin ‘yung how to de-escalate the tensions between the two countries and a lot has to do with cultural exchanges,” ayon kay Remulla. “Marami kaming tulungan sa peace and order so hanggang dun lang napag-usapan namin,” dagdag pa niya.

Nauna ring sinabi ni Remulla na plano niyang bumisita sa bayan ng Kalayaan sa Palawan matapos ipahayag ng Chinese Embassy na ipinagbabawal ang pagpasok sa China ng mga opisyal mula sa lugar. Iginiit din niya ang kanyang personal na paninindigan sa pagtatanggol sa soberanya ng Pilipinas.

Sa isang Facebook post, kinumpirma ng Chinese Embassy in Manila ang naturang pulong.

“The two sides exchanged views on strengthening law enforcement cooperation and safeguarding the safety and legitimate rights and interests of Chinese citizens in the Philippines.” Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here