MANILA, Philippines- Nagpadala ng liham si House Secretary General Reginald Velasco kay Senate President Francis “Chiz” Escudero noong March 5, 2025, na humihiling ng silid para sa House Prosecution Panel and Secretariat Support Group sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Humingi rin ng permiso si Velasco na inspeksyunin ang silid sa March 11.
Hiwalay na sumulat si Speaker Martin Romualdez kay Escudero upang sabihin na nagtitiwala ang Kamara na “the proceedings will be conducted w/ fairness, impartiality, & strict adherence to the provisions of the Constitution.”
Na-impeach si Duterte noong February 5, kung saan mahigit 200 mambabatas ang nag-endorso sa reklamo. Ipinadala ang Articles of Impeachment sa Senado sa parehong araw, subalit nag-adjourn ang Senado nang hindi tinatalakay ang kaso.
Kalaunan ay naglatag si Escudero ng inisyal na trial timetable, na nagtatakda sa pagsisimula ng paglilitis sa July 30. RNT/SA