MANILA, Philippines- Pinabulaanan ng inhenyero sa likod ng Cabagan-Santa Maria Bridge sa Isabela ang mga alegasyon “design flaw” ang dahilan ng pagbigay nito, iginiit na tumalima ang istraktura sa Bridge Code of the Philippines.
Sa ulat nitong Linggo, ipinaliwanag ni engineer Alberto Cañete na sa 12 arko ng tulay, matagumpay na nalampasan ng truck ang siyam bago bumigay ang tulay sa ika-10.
“Kung mali ang design, dun palang sa unang arko, babagsak na yun,” wika ni Cañete. “Baka may naiba, I don’t know, maybe sa construction o sa pagkabit. Kasi ang naputol sa tulay ay yung connection.”
Binanggit ni Cañete, may akda ng 1997 at 2015 versions ng Bridge Code, na inisyal na idinisenyo ang tulay sa ilalim ng 1997 code. Subalit, nagsimula ang konstruksyon noong 2014, at pagsapit ng 2015, nagpakilala ng mga bagong pamantayan, kung saan dinagdagan ang force requirements para sa disenyo ng tulay. Kalaunan ay ni-retrofit ang unang walong arko upang tumalima sa updated guidelines.
Idinisenyo ang bumigay na tulay upang suportahan ang higit pa sa national 45,000-ton limit, subalit ang dump truck na nag-trigger ng pagkasira ng tulay ay 102 tonelada—tatlong beses na mas mabigat sa 13.5-ton vehicle limit para sa tulay. Binanggit din ni Cañete na ang truck should ay dapat na 18-wheeler, hindi 10-wheeler, dahil sa bigat nito,
Kinukuha na ang komento ng DPWH, na nauna nang nagsabi na ang tulay ay hindi “substandard.” RNT/SA