Home NATIONWIDE Sindikato na nagpapanggap na POGOs maituturing na nat’l security concern – Teodoro

Sindikato na nagpapanggap na POGOs maituturing na nat’l security concern – Teodoro

MANILA, Philippines- Sinabi ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na ang criminal syndicates na nagpapanggap bilang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hubs ay national security concern.

“The concern is that we should stop these syndicated criminal activities operating out of our base, which weaken our financial standing, our country ratings, [and] corrupt our society,” ayon kay Teodoro sa isang kalatas.

Ang pahayag na ito ni Teodoro ay tugon sa naging pahayag ng Philippine Navy na hindi pa nila kinokonsidera ang POGOs bilang isang banta sa national security sa kabila ng serye ng pagsalakay sa Central Luzon laban sa POGO hubs na sangkot sa umano’y illegal activities.

Binigyang-diin ni Teodoro na hindi niya kinikilala ang mga sinalakay na establisimyento bilang POGOs, na aniya’y business process outsourcing (BPO) enterprises.

“For example, there are legitimate POGOs where the bets and the payoffs are taken from other countries [such as] horse racing in Europe, [and] sports betting; only the matching of bets and payouts are done here but the bets originate [from] outside [the country],” wika ng opisyal.

“‘Yung POGO na alam natin [dito sa Pilipinas] na operated to evade the ban on gambling in China, the bets originate here. So, may diperensya,” dagdag ng Kalihim.

Samantala, sinabi naman ng Department of National Defense (DND) na inaanalisa na ngayon ng mga awtoridad ang mga ebidensya mula sa impormasyong nakalap sa POGO activities, at ang pagsalakay na ginawa sa Tarlac at Pampanga. Kris Jose