Home NATIONWIDE Aumentado umapela sa pagsuspinde ng Ombudsman

Aumentado umapela sa pagsuspinde ng Ombudsman

MANILA, Philippins- Hiniling ni Bohol Gov. Erico Aristotle Aumentado sa Office of the Ombudsman na agad mabawi ang ipinataw sa kanya na preventive suspension order.

Naghain si Aumentado ng motion for reconsideration sa Office of the Ombudsman at iginiit na wala siyang kinalaman sa kontrobersiya kaugnay sa itinayong resort sa Chocolate Hills.

Kabilang si Aumentado at 68 na dati at kasalukuyang opisyal ng pamahalaan na sinuspinde sa loob ng anim na buwan dahil sa mga posibleng kaso na grave misconduct, gross neglect of duty, at conduct prejudicial to the best interest of service dahil sa itinayong Captain’s Peak Resort.

Iginiit ng Bohol governor na ikinagulat niya ang suspensyon dahil wala naman umano siyang kinalaman sa pag-apruba ng construction, operation, at expansion ng Captain’s Peak Resort.

“These charges are baseless and lack any factual foundation.”

Nakasaad sa motion for reconsideration na wala sa kamay ni Aumentado ang approval process para sa Captain’s Peak Resort.

Sinabi ni Aumentado na hindi siya naimbitahan sa Protected Area Management Board (PAMB) meeting noong July 14, 2022, kung saan naaprubahan ang resolusyon na nag-eendorso sa development ng Captain’s Peak Resort.

Malinis aniya ang kanyang konsensya sa insidente.

Nanawagan rin si Aumentado sa Ombudsman na magsagawa ng patas at malalim na preliminary investigation. Teresa Tavares