BULACAN, Philippines – Pinag-iingat ng awtoridad ang publiko sa kawatang sumalakay na nagpapakalat ng pekeng pera sa bayan ng Bulakan nitong Linggo, Enero 11.
Sa babala ng kagawad ng Brgy. Bambang, isang babae ang nagbayad ng pera sa dalawa niyang kabarangay na manininda.
Ayon sa babala, pawang target ng babaeng kawatan ang mga matatandang manininda sa nasabing barangay.
Nabatid din na kung maari sa mga nagtitinda lalo na ang matatanda ay huwag tumanggap ng malaking halaga at huwag magharimunan na kumita kung hindi sigurado sa malaking ibinabayad.
Kaugnay nito, isang pekeng P1,000 bill ang ipinakita sa babala sa Facebook post ng Brgy. kagawad.
Sinasabing kamakailan, umatake na rin ang isang lalaki sa milk tea shop sa bayan ng Guiguinto at nasundan ito ilang linggo ang lumipas sa Brgy. San Francisco ng kawatang lulan ng kotseng puti na kapwa bumili gamit ang pekeng P1,000 bill. (Dick Mirasol III)