Home NATIONWIDE Singapore PM Wong, magkakaroon ng bilateral talks kay PBBM sa pagbisita nito...

Singapore PM Wong, magkakaroon ng bilateral talks kay PBBM sa pagbisita nito sa Pinas

264
0

MANILA, Philippines – INANUNSYO ng Malakanyang na magkakaroon si Singaporean Prime Minister Lawrence Wong ng kanyang first official visit sa Pilipinas bunsod na rin ng imbitasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na mangyayari ang pagbisita ni Wong sa bansa sa June 4 hanggang 5, 2025.

Inaasahan na magkakaroon ng bilateral meeting sina Pangulong Marcos at Wong para pag-usapan ang mga mahahalagang aspeto ng kanilang relasyon gaya ng ‘health, climate change mitigation, at civil service cooperation.’

Inaasahan din na magkakaroon ng palitan ng pananaw ang dalawang lider ukol sa political at economic issues na mahalaga sa rehiyon.

Ang Singapore ay ang ‘8th largest trading partner ng Pilipinas noong 2024 at kasalukuyang tirahan ng 220,000 Filipino.

Ang Pilipinas ang unang bilateral visit ng Singaporean leader matapos siyang ma-reappointment noong May. Ang pagbisita ni Wong ay tanda ng introductory visit nito sa Maynila.

Kung matatandaan, ang dalawang lider ay nagkaroon ng bilateral meeting sa sidelines ng 2024 IISS Shangri-La Dialogue kung saan si Pangulong Marcos ang keynote speaker.

Samantala, kapuwa naman nagpartisipa sina Pangulong Marcos at Wong sa 46th ASEAN Summit and Related Summits sa Kuala Lumpur, Malaysia noong nakaraang linggo. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here