Home NATIONWIDE Singil sa Netflix, iba pang foreign digital services tataas sa pagpataw ng...

Singil sa Netflix, iba pang foreign digital services tataas sa pagpataw ng VAT – expert

162
0

MANILA, Philippines – Asahan na ang mas mataas na singil sa mga foreign digital service provider gaya ng Netflix matapos ang bagong batas na magpapataw ng 12-percent Value Added Tax (VAT).

Nauna nang sinabi ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui Jr. na maaaring hindi agad-agad tumaas ang singil ng mga kompanyang ito.

“Sa ibang bansa nagbabayad na sila [digital streaming companies] ng buwis. So dito, huli na nga tayo kung tutuusin. Alam na nila ‘yan, so siguro naman no’ng nag-impose sila ng pricing niyan, alam nila na masa-subject sila sa VAT. So pwedeng hindi naman tumaas ang presyo niyan, pero of course hindi natin maga-guarantee na hindi tataas ang presyo,” sinabi ni Lumagui sa isang panayam.

Hindi rin nangangahulugan na ang 12-percent VAT ay dagdag na 12-percent din sa subscription fees.

“Hindi natin masabi if talagang magtataas ng presyo ‘yan,” ayon kay Lumagui.

Iba naman ang pananaw ni Mon Abrea, founding Chairman at CEO ng Asian Consulting Group.

“It’s a welcome development to expand the coverage of the Value Added Tax. Ang talaga lang caveat dyan, it has (an) unintended consequence e, the price increase. Ba’t naman nila ia-absorb yung 12-percent VAT, diba? It will be a reduction to their margin e,” ani Abrea, sa panayam ng ABSCBN News.

“Kung halimbawa, yung Netflix subscription is P500. Magdadagdag lang sila ng 12 percent so magiging P560,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Abrea na dapat ay kasama sa implementing rules and regulations ng batas ang malinaw na mekanismo kung paano kokolektahin ng BIR ang VAT at kung paano makikinabang ang local creative industry mula rito.

“Halimbawa, hindi sumunod si Google. Kasalanan ba natin, dahil nag-transact tayo kay Google, (na) hindi siya nag-issue ng invoice, hindi siya nag-charge ng 12 percent? Hindi dapat burden nung domestic or local users… Mamaya magbayad tayo ng additional 12 percent, tapos hindi pa rin makolekta ng government. Talo tayo doon diba?” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here