MANILA, Philippines – Sa tatlong araw na paghahain ng kandidatura para sa 2025 midterm elections, sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na ‘generally peaceful’ at walang anumang iniulat na masamang pangyayari o irregularity.
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na ang pinakahuling naghain ay nagdala sa kabuuang 35 para sa Party-list na naghahangad ng pwesto sa Kapulungan ng Kongreso at 39 sa senatorial bets.
Ayon pa kay Garcia, ilalabas ang pinal na listahan ng mga kandidato sa ikatlong linggo ng Oktubre upang makita ng publiko at maberipika ang personal na detalye ng lokal ba opisyal na tatakbo sa kanilang lugar.
Samantala, tiniyak ng Comelec sa publiko na hindi ididiskwalipika ang isang aspirant dahil lamang sa kahirapan.
“Hindi tayo magdi-disqualify o magca-cancel ng candidacy ng isang nuisance candidate dahil lang sa kahirapan, dahil lang sa wala siyang pera – hinding hindi gagawin ng komisyon ‘yan. Jocelyn Tabangcura-Domenden