Home METRO Single mom natagpuang-patay sa loob ng garbage bag sa Davao

Single mom natagpuang-patay sa loob ng garbage bag sa Davao

184
0

MANILA, Philippines – Natagpuang wala nang buhay ang isang 21-anyos na babae sa loob ng isang garbage bag sa damuhan na nasa gilid ng kalsada sa Barangay Tugbok Proper, Davao City.

Nakita ng isang lalaki ang garbage bag, at nang silipin ito ay tumambad ang bangkay ng babae.

Nang suriin ng mga awtoridad ang bangkay ay napag-alaman na mayroong dalawang saksak sa dibdib ang biktima.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon para matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin sa pagpatay. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here