MANILA, Philippines – KAPUWA bumaba ang trust rating nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa nito lamang Enero ng taong kasalukuyan.
Ang survey, inisponsoran ng Stratbase Consultancy, isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,800 registered voters sa buong bansa mula Enero 17 hanggang 20.
Tnanong ang mga respondente na i-rate ang trust ng iba’t ibang personalidad ‘on a scale’ mula “very much” hanggang “very little.”
Ang “much trust” rating ni Pangulong Marcos ay bumaba mula 54% noong Disyembre 2024 hanggang 50% noong Enero 2025. Samantala, iyon namang mayroong “little trust” sa kanya ay bahagyang tumaas mula 25% hanggang 26%, habang ‘undecided respondent’ naman ay tumaas mula 19% hanggang 22%.
Nakatanggap naman ang Pangulo ng ‘highest trust’ sa Balance Luzon na may 60%, sa kabila ng 6% na pagbaba. Nakapagtala naman ang Mindanao ng pinakamataas na “little trust” rating na 36%.
Ipinagpalagay ni Stratbase Institute President Victor Manhit ang nasabing pagbaba sa ‘public frustration’ ukol sa inflation.
“With the cost of essential goods continuing to rise, many Filipinos feel the administration’s efforts to ease the burden have been slow and insufficient,” ang sinabi ni Manhit.
“To restore public confidence, the Marcos administration must double down on its responses by implementing long-term solutions to stabilize inflation and support struggling Filipino households.” aniya pa rin.
Samantala, bumaba naman ang trust rating ni VP Sara mula 52% noong Disyembre sa 49% nitong Enero.
Bahagya namang tumaas ang “little trust” na ibinigay sa kanya ng mga respondente mula 29% ay naging 30%, habang tumaas naman mula sa ‘undecided group’ mula 17% ay naging 20%.
Ang highest trust rating ni VP Sara ay nagmula sa Mindanao na may 78%, habang ang Balance Luzon ay mayroong pinakamataas na “little trust” na may 41%.
Sinabi ni Manhit na ang pagbaba ng trust rating ng Pangulo ay dahil sa pagtanggi nito na sagutin ang kontrobersiyal na paggamit niya ng public funds.
Ang survey ay mayroong sampling error margin na ±2.31% para sa national percentages, ±5.66% para sa Metro Manila, ±3.27% para sa Balance Luzon, at ±5.66% para sa Visayas at Mindanao. Kris Jose