Home NATIONWIDE Sinibak na BFAR chief guilty sa paborableng kontrata – Ombudsman

Sinibak na BFAR chief guilty sa paborableng kontrata – Ombudsman

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ng Office of the Ombudsman ang pagpapatalsik kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Chief Director Demosthenes Escoto matapos mahatulang guilty sa grave misconduct sa pagbili ng mga transmitters at transceiver para sa Integrated Marine Environment Monitoring System Project ng DA-BFAR Phase II (Proyekto ng PHILO).

Ang PHILO ay nilikha upang itatag ang Vessel Monitoring System para sa mga komersyal na sasakyang pandagat na naglalayag sa loob at labas ng Exclusive Economic Zone ng bansa.

Nabatid sa 22 pahinang desisyon isinulat ni Graft Investigation and Prosecution Officer I Cezar M. Tirol II na inaprubahan ni Ombudsman Samuel R. Martires, napatunayan na grave misconduct.

Ang kasong administratibo ni Escoto ay nag-ugat sa ginawa niyang aksiyon habang chairman ng BFAR’s Bids and Awards Committee noong 2918.

“Although the award of the contract to SRT-France was cancelled, the unwarranted benefit they gave to SRT-France to participate in the bid and to be post-qualified despite its ineligibility constitutes a willful violation of the law and established rule,” ayon sa Ombudsman.

Bunsod nito, kanselado na ang retirement benefits ni Escoto at diskuwalipika na rin siya na makapagtrabaho sa gobyerno at tanging ang naipon niyang accrued leave na lamang ang kanyang makukuha.

Ibinasura naman ng Ombudsman, ang kasong administratibo laban kay dating Agriculture Assistant Secretary Hansel O. Didulo dahil sa kakulangan ng ebidensiya.

Samantala, ni-appoint ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. si Isidro Velayo Jr. bilangofficer-in-charge ng BFAR. RNT