Home HOME BANNER STORY Nagparehistro para maging botante higit 2M na

Nagparehistro para maging botante higit 2M na

MANILA, Philippines – Mahigit dalawang milyong Pilipino na ang nag-apply para maging rehistradong botante para sa May 2025 midterm elections, iniulat ng Commission on Elections (Comelec) nitong Miyerkules.

Batay sa pinakabagong data ng poll body, nakapagproseso na ito ng 2,082,744 na aplikasyon ng mga botante mula Pebrero 12 hanggang Abril 16.

Ang rehiyon na may pinakamaraming bilang ng mga aplikante ay ang Calabarzon na may 386,256, sa bilang na 200,525 ay babae at 195,731 ay lalaki.

Sinusundan ito ng National Capital Region na may 312,865 (170,607 babae at 142,258 lalaki).

Kukumpleto sa nangungunang limang rehiyon ang Gitnang Luzon na may 243,583 (124,866 babae at 118,717 lalaki); Central Visayas na may 151,880 (76,745 babae at 75,235 lalaki); at Davao Region na may 109,501 (55,189 babae at 54,312 lalaki).

Ang mga lugar na nakapagtala ng pinakamababang bilang ng mga nagparehistro ay ang Cordillera Administrative Region na may 24,390 (13,042 babae at 11,348 lalaki); Mimaropa na may 51,485 (26,277 babae at 25,208 lalaki); at Caraga na may 56,512 (44,254 babae at 41,382 lalaki).

Inaasahan ng Comelec ang mga tatlong milyong bagong botante sa loob ng pitong buwang panahon ng pagpaparehistro na tatagal hanggang Setyembre 30. RNT