Home HOME BANNER STORY Walang nasawi, sugatang Pinoy sa malawakang baha sa UAE

Walang nasawi, sugatang Pinoy sa malawakang baha sa UAE

Motorisits drive along a flooded street following heavy rains in Dubai early on April 17, 2024. - Dubai, the Middle East's financial centre, has been paralysed by the torrential rain that caused floods across the UAE and Bahrain and left 18 dead in Oman on April 14 and 15. (Photo by Giuseppe CACACE / AFP)

MANILA, Philippines –┬áSa isang pahayag, sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW) na patuloy nilang binabantayan ang mga update sa mga lugar na apektado ng baha sa UAE, kabilang ang regular na pagsusuri sa kalagayan ng kasing dami ng mga OFW.

Siniguro rin nila na walang Pinoy na casualty o sugatan sa nangyaring delubyo sa bansa.

“Walang naiulat na namatay o nasugatan na mga Pilipino, umaasa kami na ito ay mananatili,” sabi ng DMW.

Inihahanda na rin ngayon ng mga migrant workers offices (MWOs) sa Abu Dhabi at Dubai ang mga pagkain at iba pang gamit para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa United Arab Emirates (UAE) sa gitna ng matinding pagbaha sa bansa sa Middle East.

Sinabi ng DMW na nagresulta ang pagbaha para suspindihin ng Philippine Consulate General Office at ng MWO sa Dubai na ang trabaho.

Idinagdag nito na nananatiling hamon ang transportasyon sa mga apektadong lugar. RNT