Home METRO Sinkhole natuklasan sa Villamor Air Base

Sinkhole natuklasan sa Villamor Air Base

MANILA, Philippines- Nadiskubre ng mga awtoridad ang isang sinkhole sa Sales Road sa Pasay City nitong Linggo.

Matatagpuan ang nasabing butas sa eastbound direction ng Sales Road malapit sa Villamor Air Base, base sa ulat.

Inisyal umanong naobserbahan ang butas ng alas-6 ng umaga bilang bitak.

Agad umanong lumaki ang butas sa 3 meter crater na may lalim na 10 talampaka.

Matatagpuan ito sa Gates 4 at 2 ng Villamor Air Base.

Pansamantala namang isinara ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority ang apektadong lane upang kumpunihin.

Dumating ang Maynilad dakong alas-2 ng hapon upang patayin ang water valve upang maiwasan ang pagtagas ng tubig, habang gumamit naman ang mga awtoridad ng vacuum truck upang alisin ang tubig mula sa butas at matukoy ang pinagmulan ng water leak.

Iniimbestigahan na ito ng Department of Public Works and Highways NCR upang matukoy kung Maynilad Pipes ang sanhi ng butas.

Samantala, nag-abiso ang Maynilad sa barangay malapit sa Sales Road, Pasay City na asahan ang pagkaantala hanggang alas-10 ng gabi dahil sa gumugulong na repair sa apektadong water lines. RNT/SA