Home METRO Kelot arestado sa pamamato ng bus sa EDSA busway

Kelot arestado sa pamamato ng bus sa EDSA busway

MANILA, Philippines- Nadakip ang isang lalaking nambato ng isang bus sa EDSA bus carousel sa Taft Avenue, Pasay City.

Base sa ulat nitong Linggo, lango umano sa alak ang suspek nang batuhin nito ang bus.

Nahuli naman ang suspek ng isa sa mga pasahero ng bus na tauhan ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation.

Nasa kustodiya ng Libertad Police Substation 3 ang suspek na mahaharap sa kasong malicious mischief.

Wala namang nasaktan sa 52 pasahero ng bus, habang basag ang salamin na binato ng suspek. RNT/SA