Home NATIONWIDE AFP: Babaeng nasita sa ilegal na pagdaan sa Edsa busway ‘di miyembro...

AFP: Babaeng nasita sa ilegal na pagdaan sa Edsa busway ‘di miyembro ng militar

MANILA, Philippines- Hindi bahagi ng militar ang babaeng nagsabing miyembro siya ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang makalusot sa ilegal na pagdaan sa Edsa Bus Carousel lane o Edsa busway, ayon sa tagapagsalita nitong si Col. Francel Margareth Padilla.

“She is not a member of the AFP,” giit ni Padilla nitong Linggo.

Dagdag pa ng AFP official, hindi nila kinukunsinti ang anumang “behavior that undermines the integrity of [their] institution or violates the law.”

“We take allegations of misconduct and misrepresentation seriously within our ranks. The DOTr-SAICT (Department of Transportation-Special Action and Intelligence Committee for Transportation) has not yet coordinated with the proper AFP office regarding the issue and the identity of the violator,” paglalahad ni Padilla.

Nauna nang kinilala ng Philippine National Police (PNP) ang babae na si “Major Miguel,” na nagsabing pamangkin ni Brig. Gen. Mario Reyes.

Ayon sa PNP, nakikipag-usap na si Reyes sa kanyang mga abogado ukol sa pagsasampa ng kaso laban sa indibidwal.

Iniulat ng DOTr-SAICT na naharang ng mga operatiba nito ang babae sa Guadalupe, Makati City, sa isang section ng bus lane noong Huwebes. RNT/SA