Home IN PHOTOS Chavit nag-sorry sa MMDA sa Edsa busway incident

Chavit nag-sorry sa MMDA sa Edsa busway incident

Larawan kuha ni Danny Querubin

MANILA, Philippines- Nagtungo si dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson sa MMDA Head Office sa Pasig City nitong Lunes, Abril 15, 2024 upang pormal na humingi ng paumanhin kay MMDA Chairman Don Artes ukol sa EDSA Busway incident, kung saan nasita ang armored truck ni Singson na ilegal na dumaraan sa busway.

Ayon kay Singson, dodoblehin niya ang nauna niyang pangako na P100,000 incentive para sa enforcers na nakahuli sa kanya, hindi upang suhulan ang mga ito kundi para ipakita umano ang suporta niya para sa pagsisikap ng MMDA sa pagtitiyak ng road safety at paghuli sa traffic violators. Danny Querubin