Home METRO Sirit-presyo ng petrolyo, sumalubong sa unang linggo ng Agosto

Sirit-presyo ng petrolyo, sumalubong sa unang linggo ng Agosto

177
0

MANILA, Philippines – Sinalubong ng malakihang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ang unang linggo ng Agosto makaraang maglabas ng abiso ang mga kompanya ng langis sa bansa hinggil sa ipatutupad na oil price hike na magiging epektibo bukas ng umaga.

Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz, Caltex (CPI) at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng dagdag presyo na P1.90 sa kada litro ng gasolina, P1.20 sa kada litro ng diesel, at P1.00 naman sa kada litro ng kerosene na magiging epektibo alas-6 bukas ng umaga.

May oil price hike din sa mga nasabing produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang CleanFuel na magiging epektibo bukas ng alas-4:01 ng hapon.

Ang ipatutupad na dagdag presyo sa mga nasabing produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

Matatandaan na nito lamang nakaraang Martes ay nagpatupad ng oil price hike ang mga kompanya ng langis sa bansa na P0.40 sa kada litro ng gasolina, P1.10 sa kada litro ng diesel, at P0.70 naman sa kada litro ng kerosene. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here