Home HOME BANNER STORY Sirit-presyo ng produktong petrolyo nakaumang sa sunod na linggo

Sirit-presyo ng produktong petrolyo nakaumang sa sunod na linggo

Remate News Central Photo

MANILA, Philippines – Mas mataas na presyo ng produktong petrolyo ang inaasahan sa susunod na linggo ayon sa Department of Energy (DOE).

Batay sa international trading nitong nakaraang apat na araw, tinatayang tataas ng P0.45 hanggang P0.75 kada litro ang gasolina, P0.30 hanggang P0.60 ang diesel, at P0.15 hanggang P0.30 ang kerosene, ayon kay DOE-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero.

Dagdag pa ni Romero, ang pagtaas ay dulot ng tumitinding tensyon sa Middle East at pinalalalang mga parusa ng US laban sa Iran at Russia.

Ang opisyal na price adjustment ay iaanunsyo ng mga kumpanya ng langis tuwing Lunes at ipapatupad kinabukasan. Santi Celario