Home HOME BANNER STORY Sirit-presyo sa produktong petrolyo umarangkada

Sirit-presyo sa produktong petrolyo umarangkada

198
0

MANILA, Philippines – Nagpatupad ngayong Martes ang mga kumpanya ng langis ng muling pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo, ayon sa mga lokal na kompanya ng langis.

Sa magkahiwalay na abiso, inihayag ng Chevron Philippines Inc. (Caltex) at Shell Pilipinas Corp., ang taas presyo kabilang ang:

-P0.20 per liter sa gasolina

-P0.50 sa diesel, at

-P0.50 sa kerosene.

Kaparehong halaga  naman ang ipinataw ng Cleanfuel sa mga produktong petrolyo maliban sa kerosene na hindi nila ibinebenta.

Ipatutupad ang taas-presyo simula ng 6 a.m. sa Martes, October 29.

Nitong nakaraang linggo, nagkaroon ng rollback na P0.50 per liter ang presyo ng gasolina, P0.70 per liter sa diesel, at P0.85 sa kerosene.

Batay sa datos ng Department of Energy (DOE), ngayon taon ay umabot sa P9.05 per liter ang kabuuang nadagdag sa presyo ng gasolina, P6.75 per liter sa diesel, habang nabawasan ng P2.75 per liter ang halaga ng kerosene. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here