Home NATIONWIDE P321-M lotto jackpot nasolo ng Bulakenyo!

P321-M lotto jackpot nasolo ng Bulakenyo!

95
0

MANILA, Philippines – Naiuwi ng lone bettor mula sa Bulacan ang P321 milyon na Ultra Lotto 6/58 jackpot matapos na matamaan ang winning digit combination noong Linggo ng gabi.

Sa isang pahayag nitong Lunes, sinabi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na ang nanalo ay tumaya mula sa San Jose del Monte City, Bulacan, at tinamaan ang mga panalong numero 07-24-13-16-10-02.

Ang kabuuang jackpot prize ay PHP321,384,493.20.

Ang Ultra Lotto 6/58 ay ibinobola tuwing Martes, Biyernes, at Linggo.

Samantala, walang bettor ang nakahula ng tamang kumbinasyon para sa Grand Lotto 6/55 at Megalotto 6/45 na iginuhit ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Lunes, Oktubre 28.

Ang mga nanalong numero para sa Grand Lotto 6/55 ay 12-06-48-35-14-39. Ang jackpot ay nasa P84,234,468.20.

Ang panalong kumbinasyon para sa Megalotto 6/45 ay 18-13-05-25-30-08. Ang premyo ay nasa P8,910,000. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here