NARITO ang mga hakbang na maaaring gawin upang mabawasan ang panganib ng male breast cancer, lalo na para sa mga lalaki na may mataas na panganib nito.
1. Pagsasagawa ng Genetic Testing. Kung ang breast cancer ay may kasaysayan sa iyong pamilya, maaaring magkaroon ng mga pagbabago sa DNA na konektado sa sakit na ito, tulad ng BRCA1 at BRCA2. Sabihin sa tumitinging doktor kung mayroong kamag-anak na may mga ganitong pagbabago sa DNA. Maaaring talakayin kung kailangan na sumailalim sa genetic testing upang malaman kung apektado sa pagbabagong ito.
2. Regular na screening. Kung may naging mga pagbabago sa DNA na nagiging sanhi ng pagtaas ng panganib ng breast cancer, maaaring kailanganin na magkaroon ng mas masusing screening. Kadalasan, ito ay kinabibilangan ng pagkilala sa balat at tissue ng dibdib. Ipabatid sa isang health professional kung may napansin na anomang pagbabago. Maaaring magrekomenda ng taunang pagsusuri ng iyong dibdib.
3. Para sa mga Transgender Men. Kung hindi ka pa nagkaroon ng gender-affirming surgery sa dibdib, makipag-usap sa doktor tungkol sa screening para sa breast cancer. Sundin ang mga pangkalahatang patnubay sa screening para sa mga tao na ipinanganak na babae.
Kung nagkaroon na ng gender-affirming surgery, bagaman bihira, posible pa rin ang breast cancer. Karaniwang may natitirang kaunting breast tissue pagkatapos ng operasyon. Maging pamilyar sa hitsura at pakiramdam ng balat sa dibdib at agad na ipagbigay-alam ang anumang pagbabago.
4. Pagsubaybay sa mga pagbabago. Mahalaga ang pagiging maingat sa mga pagbabago sa iyong dibdib. Kung may mga hindi pangkaraniwang sintomas, tulad ng mga bukol, pagbabago sa balat, o iba pang kakaibang pakiramdam, agad na kumonsulta sa iyong doktor.
Sa kabuuan, bagaman walang tiyak na paraan upang maiwasan ang male breast cancer, ang pagtutok sa mga salik ng panganib at pag-uusap sa mga health professional ay makatutulong upang mapababa ang panganib at matukoy ang mga potensyal na problema sa lalong madaling panahon.