Home NATIONWIDE Sistema ng pasahod sa PAGCOR, inayos sa Senado

Sistema ng pasahod sa PAGCOR, inayos sa Senado

Nagawan ng paraan ng isang mambabatas na maisaayos ang sistema ng pasahod ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) matapos tuparin ng Governance Commission for GOCCs (GCG) ang pangakong aayusin anCompensation and Position Classification System (CPCS) ng kompanya.

Sa pahayag, sinabi ni Senador Raffy Tulfo, kabilang dito ang empleyado ng Casino Filipino – New Coast na hindi nakakasahod nang maayos.

Inihayag ng senador na nagtungo sa kanyang tanggapan sinab GCG Chairperson Atty. Marius Corpus at Commissioner Atty. Geraldine Marie Martinez kasama ang ilang GCG employees nitong Jan. 31, upang ihatid ang good news.

Naunang nabulgar noong pagdinig nitong Enero 25 ng Senate Committee on Games, sinabi ng ilang manggagawa ng New Coast na mas mababa sa minimum wage ang kanilang sinasahod.

Natuklasan din sa pagdinig na tinanggal ng PAGCOR ang mahigit 700 empleyado ng naturang casino dahil ibibigay ng kompanya ang pamamahala nito sa isang Hong Kong-based gaming corporation.

Isang araw matapos ang pagdinig, nakipag-ugnayan si Tulfo kay Martinez na nanakong aayusin ng GCG ang work overtime upang maisaayos an CPCS ng PAGCOR.

Sa naturang pulong, sinabi ni Corpus kay Tulfo na magkakaroon ng retroactive sa salary increase ngr PAGCOR employees mula October 2021.

Pinagbawalan din ng GCG ang PAGCOR na sibakn ang empleado ng New Coast habang hindi pa aprubado ang redundancy plan. Ernie Reyes

Previous articleHigit 1,300 residente sa Davao region, inilikas
Next articleJapan fund para sa planong hydrogen pilot pinag-aaralan ng Pinas