Home METRO Higit 1,300 residente sa Davao region, inilikas

Higit 1,300 residente sa Davao region, inilikas

(c) Jezza Rey Facebook

MANILA, Philippines – Inilikas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) Southeastern Mindanao ang nasa 1,317 residente sa Davao region dahil sa mabilis na pagtaas ng tubig baha dulot ng low pressure area.

Sa pamamagitan ng aktibong kolaborasyon kasama ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Council ,Coast Guardians, inilikas ang mga apektadong pamilya at dinala sa mga itinalagang evacuation centers para sa karagdagang tulong mula sa lokal na awtoridad.

Samantala, patuloy ding binabantayan ng PCG ang estado ng ilog sa Davao City partikular sa S.I.R New Matina kung saan sinuspinde ang biyahe ng mga bangka para sa kaligtasan ng publiko.

Tumulong din ang Coast Guardians sa relief operation sa Caraga at Banay-Banay sa Davao Oriental. Jocelyn Tabangcura-Domenden