Home ENTERTAINMENT Kathryn, nag-renew na ng kontrata sa Star Magic!

Kathryn, nag-renew na ng kontrata sa Star Magic!

Manila, Philippines- So, walang katotohanan ang napapabalita na lilipat na sa Crown Artist Management na pag-aari ng mag-asawang Maja Salvador at Rambo Nunez, ang award-winning actress na si Kathryn Bernardo.

Ngayong araw kasi, which is February 2, ay nag-renew siya ng kontrata sa Star Magic.

Nanatiling Kapamilya si Kathryn. Inanunsyo ito mismo ng Star Magic sa kanilang social media.

“A very special milestone is afoot our ‘Asia’s Superstar’ and ‘Outstanding Asian Star,’ Kathryn Bernardo!” caption sa Instagram ng Star Magic.

Dagdag pa, “This February 2, witness Kathryn flip the page to new stellar adventures as a Kapamilya in her ‘FOREVER KAPAMILYA’ contract signing!”

Kung maaalala, nauna nang dinenay ng ina ni Kathryn na si Mommy Min ang chikang lalayasan ng kanyang anak ang Kapamilya network dahil hiwalay na ito kay Daniel.

“No. Hindi siya aalis ng Kapamilya network!” sey ni Mommy Min noong Disyembre.

Noong nakaraang linggo naman nang mabalita na pipirma ulit ng kontrata sa Star Magic ang ex-boyfriend ni Kath na si Daniel Padilla.

“Walang katotohanan na bibitawan nila ang aktor o aalis ang aktor sa kanilang bakuran,” sey ng ABS-CBN reporter na si MJ Felipe sa isang exclusive report.

Ngayong Pebrero rin naka-schedule ang pag-renew ng kontrata ni Daniel sa ABS-CBN. Rommel Placente

Previous articleAma natagpuang patay na lumulutang sa ilog
Next articleHigit 1,300 residente sa Davao region, inilikas