Home METRO Ama natagpuang patay na lumulutang sa ilog

Ama natagpuang patay na lumulutang sa ilog

ANGADANAN, Isabela – Wala nang buhay nang matagpuan ng mga awtoridad ang katawan ng isang 59-anyos na isang amam na lutang-lutang sa pinaniniwalaang nalunod sa Cagayan River na bahagi ng Brgy. Macaluat, Angadanan, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Reynaldo Canlas, residente ng Brgy. Santa Cruz, Alicia, Isabela.

Una rito, nakatanggap ng tawag ang himpilan ng Angadanan Police Station na pinamunuan PCapt. Alex Galutera hinggil sa natagpuang bangkay ng isang ama.

Kaagad namang nagtungo sa lugar ang pulisya at makalipas ang pagberipika, napag-alamang hindi mula sa naturang bayan ang biktima kung kaya’t dinala muna ito sa isang punerarya.

Makalipas ang ilang oras, dumating si Raymund Canlas at kinumpirma nito na ang natagpuang bangkay ay ang kaniyang Ama na agad din inuwi para paglamayan sa kanilang tahanan. Rey Velasco

Previous article4 kulong sa P2.4M bloke ng marijuana
Next articleKathryn, nag-renew na ng kontrata sa Star Magic!