Home METRO 4 kulong sa P2.4M bloke ng marijuana

4 kulong sa P2.4M bloke ng marijuana

BAGUIO CITY – Arestado ang apat na hinihinalang tulak ng droga at nasabat ang marijuana na nagkakahalaga ng P2.4 milyon sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera sa Barangay Pinsao Proper dito noong Enero 31.

Kinilala ang mga suspek na sina Chou Darwin Tauli Corpuz, 37, family driver, ng Quezon Hill, Baguio City; Pedrito Tamocag Ayawan, 27, ng Kibungan, Benguet; Jim Ayawan, 18, at Kari del Mundo Gile, 25, ng Quezon Hill, Baguio City.

Sinabi ng PDEA na mahigpit na binabantayan ang mga suspek bago sila nagsagawa ng operasyon laban sa kanila.

Nakuha mula sa mga suspek ang mga marijuana brick na tumitimbang ng 20 kilo na nagkakahalaga ng P2,412,000, P6,000 boodle money, apat na sako ng marijuana na may halong gulay, isang brown paper bag, isang leather wallet na naglalaman ng sari-saring card, at iba pang ebidensyang hindi droga. Santi Celario