Home METRO 2 utas sa salpukan ng 2 motorsiklo

2 utas sa salpukan ng 2 motorsiklo

SAN MARIANO, Isabela – Pinaglalamayan na ngayon ng kanilang pamilya’t kamag-anak ang dalawang katao matapos ang naganap na banggaan ng dalawang motorsiklo sa Sitio Palaspas, Brgy. San Jose, San Mariano dito sa nasabing probinsya.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Jerwin Buraga, 17 anyos at si Dan Whyn Dela Cruz, 20 anyos at kapwa residente sa naturang bayan.

Dakong singko kahapon nang binabagtas ng motorsiklong minamaneho ni Buraga ang daan sa bahagi ng Sitio Palaspas, Brgy. San Jose at angkas ang kanyang asawa na si Marjorie Buraga nang makasalubong ang motorsiklong minamaneho ni Dela Cruz na patungong poblacion.

Ayon kay Brgy. Kagawad Melchor Macasaddu at Alex Pascua, sa kanilang pagresponde sa pinangyarihan ng aksidente ay nakahandusay na sa daan ang dalawang biktima habang si Marjorie Buraga ay nagtamo ng fracture sa paa.

Maaring hindi napansin ng dalawang tsuper ng motorsiklo ang kanilang kasalubong dahil blindspot ang lugar kung saan nangyari ang aksidente. Rey Velasco

Previous articleGusto ng closure sa Valentine’s timbog sa pagkakalat ng sex video
Next article4 kulong sa P2.4M bloke ng marijuana