Home NATIONWIDE Gusto ng closure sa Valentine’s timbog sa pagkakalat ng sex video

Gusto ng closure sa Valentine’s timbog sa pagkakalat ng sex video

MANILA, Philippines – Kulong ang isang lalaking gusto ng “closure” sa Araw ng mga Puso nang ilabas ang sex video nila ng ex kinunan nya kamakailan sa Navotas.

Grave coercion at voyeurism ang kaso ni Genesis Bautista, nasa hustong gulang, na dinampot sa entrapment operation sa Tangos North.

Palihim umanong nagkikita ang suspek at biktimang si “Sara” na dating college sweethearts ngunit lingid sa biktima ay kinunan ni Bautista ng video ang kanilang pagtatalik, at nang malaman ito ay doon na ito nagsumbong.

Ayon naman sa mga miron, walang karapatang magreklamo si Sara dahil kusa naman itong sumama dahil sa sariling kalandian at hilig sa sex kahit na pamilyado na ito ngayon. Merly Iral

Previous article2 estuyanteng tulak ng tsongki, timbog
Next article2 utas sa salpukan ng 2 motorsiklo