Home METRO 2 estuyanteng tulak ng tsongki, timbog

2 estuyanteng tulak ng tsongki, timbog

SANTIAGO CITY, Philippines – Bumagsak sa kamay ng pulisya ang dalawang estudyante na nagtutulak ng ipinagbabawal na gamot o pinatuyong dahon ng marijuana sa isinagawang drug buy bust operation sa Rizal Village, Purok 5, Brgy. Rizal dito sa nabanggit na Lungsod.

Pinangunahan ni PMaj. Christopher Danao, Chief ng Santiago City Police Intelligence Unit ang nasabing operasyon na resulta ng pagkaatesto ng dalawang estudyante na sina Clyde Harvey Munio, 19 anyos, binata at residente ng Dagupan Tabuk City Kalinga at Xyra Alexis Apil, 20 anyos, binata at residente ng Brgy. Casigayan, Tabuk City, Kalinga.

Narekober mula sa pag-iingat ng dalawang suspek ang isang piraso na nakarolyo ng plastic sachet na pinatuyong dahon ng marijuana, dalawang piraso ng zip locked transparent plastic sachet na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana at labindalawang (12) piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman din ng nasabing illegal drugs bilang buy bust item kabilang ang isang piraso na tunay na pera at siyam na di tunay na pera, isang yunit na kulay itim na A58 cellular phone, isang piraso ng orange Eco bag at isang Blue Reebok Hand bag

Tinatayang aabot sa halos mahigit 750 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P90.000,00.

Dakong 2:40 ng madaling araw ng mamataan ang dalawang suspek matapos kumagat sa patibong sa pamunuan ni PMaj. Danao kasama ang Santiago City Drugs Enforcement Unit at Police Station 2 ng Santiago City Police Station na may koordinasyon sa Philippines Drugs Enforcement Agency o PDEA.

Pinasalamatan ni PCol. Tirso Manoli, City Director ng Santiago City Police Office o SCPO ang mga operatiba sa pangunguna ni PMaj. Danao ang matagumpay na operasyon sa pinaigting na kampanya sa illegal drugs sa naturang Lungsod.

Nahaharap ang dalawang estudyante sa kasong may kinalaman sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (REY VELASCO)