Home OPINION SIYENTIPIKONG PAGTITIPON SA PAGSISIMULA NG 50TH ANNIVERSARY NG NAST PHL

SIYENTIPIKONG PAGTITIPON SA PAGSISIMULA NG 50TH ANNIVERSARY NG NAST PHL

308
0

NAGBIGAY ng suporta sa siyentipikong pagtitipon ang mga National Scientist na sina Dr. Dolores Ramirez, Dr. Lourdes Cruz, Dr. Carmencita Padilla, Dr. Ernesto Domingo, Dr. Raul Fabella at Dr. Emil Javier.

sa mga naging sentro ng unang araw ng siyentipi­kong pagtitipon ang plenary lecture ukol sa pagsasanib ng agham at negosyo tungo sa paglikha ng yaman at hanapbuhay sa mga komunidad, inobasyon sa agrikultura, at bioscience engineering. Naging mga tagapagsalita sina academicians Cleofas Cer­vancia at Homer Pantua ng Biological Sciences Division ng NAST Phi­lippines, Dr. Deoflo­rence Onda ng UP Diliman – The Marine Scien­ce Institute, Jovy Hernandez ng Metro Pacific Agro Ventures, Gonzalo Serafica ng Engineering Sciences and Technology Division, NAST Philippines, Danilo Manayaga ng Secure International Corporation, Philip Cruz ng Herbanext Laboratories, Inc., Jan Vincent Sollesta ng GallenX, at Dr. Romulo De Castro ng University of San Agustin.

Bago ang mas malaking si­yentipikong pagpupulong ay nag­karoon muna ng regional scien­tific meetings na isinagawa sa General Santos city noong March 26 – 27, 2025 para sa Mindanao, sa Iloilo city mula April 29 hanggang 30, 2025 para sa Visayas, at sa Luzon ay sa Cavite noong May 20 hanggang 21, 2025.

Inaasahang magpapatuloy ang diskurso sa mga susunod na araw ng siyentipikong pagpu­pulong, na pagtutuunan ng pansin ang mga oportunidad sa bioscience para sa green eco­nomy, health innovation, at digital transformation.

Binibigyang-pugay rin ang mga natatanging siyentipiko sa pamamagitan ng NAST Talent Search for Young Scientists at NAST Outstanding Scientific Papers Awards, na layuning kilalanin at itanghal ang mga bagong lider sa larangan ng agham.

Gaganapin din ang seremon­ya para sa pormal na pagtanggap sa tatlong bagong magiging bahagi ng NAST na sina academicians Dr. Wilfredo Roehl Li­cuanan, Dr. Leocadios Sebastian, at Dr. Charles Yu.

Ilulunsad din ang pagsisimula ng 50th anniversary ng NAST na iinog sa temang “Scien­ce-based, Technology supported en­terprises.”
Sa kabuuan, ang 47th ASM na pinangunahan nina Dr. Windell Rivera bilang chairperson ng steering committee at NAST Philippines Executive Director Luningning Samarita-Domingo, ay nagsisilbing mahalagang pla­taporma upang pag-ugnayin ang agham at industriya, tungo sa mas masagana, inklusibo, at maka-kalikasang kinabukasan para sa sambayanang Filipino.

Ang NAST PHL ang pinaka-prestihiyosong akademya ng agham at teknolohiya sa Pilipinas na nagbibigay pagkilala sa mga siyentipiko, nagbibigay payo sa pamahalaan, at nagtatagu­yod ng kultura ng agham sa ban­sa.

Naitatag ito noong 1976 sa bisa ng Presidential Decree No. 1003-A sa ilalim ng admi­nistrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr., para kilalanin ang natatanging mga siyentipiko at teknolohista ng bansa at bumuo ng isang aka­demya na naglalayong maglingkod bilang reserba ng mga dalubhasa sa agham at teknolohiya.

Opisyal na naging advisory body ito ng Pangulo at ng Gabinete sa usaping agham at tek­nolohiya noong 1982 sa bisa ng Executive Order No. 818.

Binubuo ito ng mga academician (resident Filipino scientists) at corresponding members (non- resident Filipino scientists) na pinili ayon sa peer recognition. Maaari ring magtalaga ng ho­norary members para sa mga kilalang internasyonal na siyen­tipiko na may kontribusyon sa agham ng bansa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here